Ayon sa bagong batas ng Imigrasyon ng United States ng America sa taon 1996 (Section 652), ang anumang samahang internasyonal na nagpapareha ay kinakailangang ibigay sa iyo ang mga sumusunod na mga kaalaman:
1. Anumang samahan na nagpapareha na gumagamit ng koreo ay hindi nasasakop sa batas ng United States ng America (U.S.A.).
2. VISA para sa Kasintahan(Fiancee visas, K-1) ay ibinibigay sa nakatakdang pakakasalan ng mamamayan ng U.S.A - Ang VISA (K-1) ay ibinibigay sa kasintahan kung ang magkapareha o, magkasintahan ay nasa tamang edad alinsunod sa batas para magpakasal. Ang VISA ay may bisa lamang na manatili sa U.S.A. sa loob lamang ng siyamnapung (90) araw at hindi na maaring kumuha ng panibago pa. Ang magkapareha ay kailangang magpakasal sa loob ng siyamnapung (90) araw kung saan siya maaaring manatili sa U.S.A Kung walang kasal na maganap sa loob ng siyamnapung (90) araw, ang kapareha ay kailangang umalis sa U.S.A. upang bumalik sa kanyang bansa. Kapag hindi nakabalik sa kanyang bansa, ang magkapareha ay hindi na maaring magkamit ng Visa para sa Kasintahan (Fiancee Visas, K-1) sa hinaharap.
3. Balatkayong Kasal o Kunwaring Kasal - Ang Imigrasyon ng U.S.A. ay may mabigat na parusa sa kasunduang kasal para makaiwas sa mga batas ng Imigrasyon. Kapag napatunayan ang kasal ay kasunduan, o, kunwaring kasal, ang parusa ay pagkabilanggo ng hanggang limang taon at multa na hanggang $250,000 (dolyar). Bukod dito, ang "beneficiary" (kasintahan) ay mailagay sa alanganing sitwasyon (status) upang magkaroon ng permanenteng legal na pamamalagi sa U.S.A.
4. Pagkatapos ng kasal ang "beneficiary" ay pagkakalooban ng LPR (Legal Permanent Residence or green card) na may kundisyon o, pahintulot na manirahan (Conditional Stay) sa U.S.A. sa loob nga dalawang taon. Pagkatapos ng dalawang taong kasal, ang mag-asawa ay maari ng magpetisyon para maalis ang kundisyon o, pahintulot na manirahan at palitan ng permanenteng "green card" para sa "beneficiary". Kung sa panahon ng dalawang taon kasal ang magkapareha o mag-asawa ay naghiwalay o nagdiborsiyo (divorce), hindi ito nangangahulugan na ang "beneficiary" ay hindi na karapat dapat na mabigyan ng permanenteng "green card". Kapag hindi nagharap ng aplikasyon para matanggal ang kondisyon ng paninirahan sa U.S.A. ang "beneficiary" ay maaring pauwiin (to be deported) sa bansang kanyang pinanggalingan batay sa alituntunin na naaayon sa batas.
5. Paubaya (Waivers) - Ang banyagang asawa na inaabuso ng asawa na mamamayan ng U.S.A ay hindi nangangahulugan na manatiling magsama. Kung ito ang iyong kalagayan, mayroon kang karapatang ipaubaya na hindi obligahin na maghain ng petisyon ng pag-aasawa upang matanggal ang "kondisyon" na manirahan ng permanente sa U.S.A,. Kapag nangyari ito, makabubuting humanap ka ng marangal na abugado.
6. Kawalang Halaga (Excludability) - Ang Visa na natanggap ay hindi nangangahulugan na makakapasok ka sa U.S.A.. Ang mga opisyal ng Imigrasyon ng U.S.A.. ay nasa Daungan ng Pasukan (Port of Entry) at tatanungin ka uli kung karapatdapat ka bang papapasukin. Kung ikaw ay kriminal, terorista o kaparehong may Gawain o, kilusang kriminal, o kaya ay magiging pabigat lamang ay baka hindi ka tanggapin o papasukin. At kapag napatunayan ng opisyal ang ganitong mga bagay tungkol sa iyo, ang iyong Visa ay mawawalang halaga at wala ka nang karapatang makapasok sa U.S.A. sa loob ng limang taon.
7. Bakuna (Vaccinations) - Kailangan na makapagbigay ng ebidensya na ikaw ay may bakuna para sa permanenteng paninirahan. Ito ay bagong patakaran ng Imigrasyon.
8. Paunang Parol (Advance Parole) - Kapag nakapasok kana sa U.S,A. huwag kang umalis o bumisita kahit sa maikling panahon sa Mexico o Canada na walang pahintulot o hiling ng paunang parol. Kapag hindi mo ginawa ito, baka hindi ka na tanggapin uli na makapasok sa U.S.A o sa anumang imigrasyon sa hinaharap ay mawawalan ng halaga.